10.07.2010

GANITO KA BA DATI?

Yaman din lamang na nagbabalik tanaw tayo sa nakaraan, lubusin na naten.

Nung elementary, usong-uso ito

credits to google images

COLEMAN WATER JUG! Kundi tubig na madaming yelo ang laman nyan e eight o'clock orange juice na malamig ang laman. Mabenta yan lalo na kung meron field trip. Bad trip lang nga minsan kasi tumutulo yan minsan hinde mo namamalayan e kulay orange na pala yung polo o blouse mo. Isa pang bad trip e kung madamot yung kaklase mo hinde ka nya paiinumin sa coleman nya.

Syempre my partner yan si coleman 


credits to google images

ang baunan na mukhang galing pa sa katawan ni Ultraman. Kahit ayaw mo sa baunan na yan hinde ka makaka-hinde sa mga magulang mo kung ayaw mo magutom. OO. yan yung mga panahon na bawal ang kumontra sa gusto ng mga magulang. Yan din ang panahon na hinde ako nakapalag nung pagupitan ako ng syete ng nanay ko. Pag nakikita ko yung mga pictures na yun asar na asar ako kasi mukha akong umalsang siopao na biglang tinubuan ng pancit canton sa ulo. Majoba na kasi ako since birth tpos kulot pa, tpos pina syete pa nung nanay ko yung buhok ko, syempre pag maikli aalsa talaga, nakakahindik imaginin sa totoo lang. Kaya nung binilhan ako ng ganyang baunan, hinde na ako nakapalag, at hinde na din ako nakapalag sa laging laman nyang baunan na yan dahil kundi adobo ang ulam, hotdog, tocino o longganisa naman. Alternate lang sila. Ganun lang ang buhay nung elementary.

Pag recess naman o kaya pag dismissal o kaya lalo na kapag walang pasok e usong uso ang mga softdrinks na asa plastic tpos sasamahan mo pa ng hi-ro medyo solb ka na nun! Pero minsan nakakabitin kasi tatlo lang yung laman nun sa isang pack kaya minsan bibili ka na lang chichirya

credits to google images

Ri-chee sarap nyan sobrang tamis lang, barkada nya yung mobi e (na peborit ko talaga) tsaka yung sweet corn tsaka yung snacku. Madami ka din pagpipilian nun kasi meron pa pritos ring na bago mo kainin e gagawin mo muna singsing at ilalagay mo sa mga daliri mo, meron din cheesedog na dalawa ang laman sa isang pack sa halagang piso at kung medyo wala ka budget hinde ka pa din malulungkot kasi ang pompoms nun e .75 cents lang. Bad trip lang ulet kasi meron ka talaga mga kalaro  na madamot at hinde talaga marunong mamigay. Uso din ang pagtitinda ng ice kendi nun at hinde ko maintindihan baket uso ang ice tubig kung pwede naman umuwe na lang sa mga bahay bahay para uminom?

Sa labas ng school nun uso binebenta yung mga hiniwang mangga na nakalagay sa stick at my bagoong, meron din naman singkamas at kung ano anong laruan, meron  jackstones,  o kaya yung garter na mabenta nun kasi pampalipas oras habang nag aantay sa mga kaserbis mo na hinde pa dismissal o kung may kung ano-anong activities pa.

credits to google images

Uso ang padumihan ng medyas nun at pabasaan ng likod dahil sa pawis pero hinde mo na maiisip yun kasi ang gusto mo lang e maka-abot sa exhibition round o kaya e sagipin ang mga kakampi mo na, na "dead" na. Alam mo yung bad trip dun? Kapag ikaw yung taya at aalis na kayo hinde ka na nakatira tsaka yung feeling mo "nadaya" ka kasi ginalaw nung mga taya yung garter. haha minsan nga susukatin mo pa yun e kung pantay haha patawa.

Ang patintero naman o putbol o yung marcos, lopez e uso kapag walang pasok. Masaya sa patintero kapag madami kayo at mahaba talaga yung linya kasi bihira ang maka home run nun. Sa putbol apat ang base minsan may rule pa na no garden, kapag nasipa mo papunta sa "garden" e taya ka at kung pasok bahay naman dead lahat. Marcos, Lopez e yung meron dalawang base tpos maghahabulan lang kayo at kapag hinde ka nakapag "charge" sa base mo at nahuli ka ng kalaban dun ka lang sa base nila hanggang meron makasagip sayo na kakampi mo.

Naging gawain ko din ito nun kahit hanggang nung hayskul, 

credits to google images

OO usong uso ang magsakit-sakitan para makatulog ka dun sa clinic, minsan pag gising mo dismissal na pala pero minsan hinde pa kaya babalik ka sa klasrum at pagbalik mo sa klasrum sikat ka! Lahat tatanungin ka kung ok ka lang, lahat kakausapin ka. sosyalan! sikat! Mas magiging sikat ka pa sa muse nyo kasi lahat asa iyo ang pansin.

Autograph book o slam book. 

 credits to google images

Nauso yan nun para ma "stalk" mo ang crush mo, kunwari papasulatin mo yung mga kaklase mo kahit na yung hinde mo naman ka-close mapipilitan ka pasulatin para lang kunwari hinde obvious kapag binigay mo na sa kras mo yung autograph book na yan. Pero nakakatawa isipin ang mga pinagsasagot nun kahit na gaano pa ka-"cool" sa tingin mo nung mga panahon na yun yung mga sagot mo kapag binalikan mo ngayon, matatawa ka lang kasi ang jologs talaga. =))

[click the image for larger view]


Pamatay ang mga sagot na "Who is your first love?" sagot si God. "First kiss?" Parents. "What is love?" Love is like an onion, it will make you cry" o kaya daw e parang rosary kasi punom-puno ng mysterio. "Favourite movie?" MTM haha many to mention talaga ang karamihan na nilalagay na sagot sa tanong na yan. "Describe yourself?" JUDGE ME NA LANG! haha pero kung makapal kapal ang mukha mo ganito ang isasagot mo "cute sabi ng iba, maputi, medyo matangkad" pero kung hinde ka sure at kung ayaw mo masabihan ng mayabang, JUDGE ME NA LANG ang tagumpay mong sagot. At para sa huling parte ng slam book e ang mensahe mo kuno sa nagpasulat sayo sa autograph book nya at bago mo ibalik sa may-ari yung notebook na yun e hinde mo pwedeng hinde ilagay ang

J - Just
A - Always
P - Pray
A - At
N - Night

o ang I.T.A.L.Y o ang makabagbang damdaming 

T - Take
C - Care
C - Coz
I - I
C - Care

minsan nga meron pang "take care coz I REALLY care".

Kapag wala si mam o kaya si sir e ihahabalin kay Pres o kaya sa Sgt & Arms ang paglilista ng

noisy at standing

inpurrness ang epektib nyang panakot na yan! talagang nakasulat pa sa blackboard yan ah! at para maiwasan na maisulat kang noisy o standing e magpapasahan na lang kayo ng mga sulat. Minsan nga tatayo ka lang para mag banyo at magwiwi e susulat ka na sa standing. =))

Nung elementary uso pa nun ang masipag na estudyante, pero pagdating ng hayskul astig na, wala na nagdadala ng one hul, parasite na, hingi na lang sa katabi. "psst, enge naman one hul", "hati tayo, crosswise lang naman kelangan e." Kapag quiz lang kayo kayo na lang din ang magtsi-check

titser: ok class, pass your papers clockwise. one, two, three.

Pero kapag periodical e yung kabilang klase ang magtsi-check para daw iwas "duktoran" ng papel.


Malalaman mo na lang kung sino nag check ng papel mo dahil sa makasaysayang 

corrected by:

at seselyuhan mo yun ng isang malupet na smiley face.

Siguro ang hinde ko lang naranasan nung nag-aaral pa ako sa Pinas e ang pagkakaron ng

credits to google images

mga notebooks na artista ang mga cover. Uso din nung ang panda ball pen na subok nga naman na maasahan talaga kung ikukumpara mo sa pilot kasi yung pilot kapag nabagsak mo wala na tinta, manghihinayang ka lang kasi ang mahal e P17 yun nun, e yung panda naman P5 lang kaya sulit na din.

Ganyan ka din ba nun?

18 statements:

Traveliztera said...

Hahahahah lage akong may coleman! Nainis ako one time baket lasang onion. Pag open ko ng coleman ko, may kutsara. Si yaya nga naman hahahhaa!

Never ako nagkaron ng baunan na ganyan. Lageng tupperware. ang ingay kasi niyan e hahaha pero naiinggit ako sa may ganyan hahhahaha!!! Pinasyete wahahahahaha!
Joke lang. hahaha! pero nakakatawa! :P

ayoko ng ri-chee kasi oo sobrang tamis. gusto ko cheez-it or pee wee pero nakakamiss yan :(

yang garter na yan panira. d ako umaabot sa ibang level hahahha!

isama mo na ung langit lupa. hahaha! morbid.

d ko gawain ung magsakit-sakitan :( oo na nerd ako. kahit may sakit ako (hnggng nung college at my duty pa a at pinapauwi na ako ng mga nurses pero ayoko haha!) ... ayoko kasing nakka-miss ng class (OHMAYGALLY NERD HAHA!) kasi pag na-miss mo ung isa, andami mong kelangang habulin. haha! okay. nerd. hahaha!

i love autograph books! andito pa sila! nakakatawa lang mga sagot! naiinis ako pag MTM ung sinasabi. may isa PURO MTM TALAGA NILAGAY! hahhaha! Time is GOld and love is blind. lOL

at oo, natatakot ako sa mga noisy and standing na yan. mga teacher's pet. LOL.
nagblog ako once sa luma akong site ung nakita kong notebook from my childhood days na naklagay lahat dun ung noisy. WAHAHHAHA ! nakakamiss yang corrected by na yan. nakakatakot yan pag sayo imaminus ung mali sa pagcheck mo haha!

nvr ako nagkaron ng juday at jolens na ntbk :( pero may teks ako nila. hahaha

Jag said...

Hahaha relate much...nag notebook artista ako nung grade 2 ako pero nung nag grade 3 na ako mga ultraman series na ang notebook ko hehehe mumurahin lang din yun hehehe...nagka pilot ako na bolpen grade six na ako...madalas panda o kaya de luxe hahaha...isa akong batang dugyot nung elementary pa ako kasi after school laro agad ang inaatupag...nung kinder lang ako nagbabaon pero nung elementary ako pera na ang ibinibigay sa akin...minsan hndi ako nagrerecess para makaipon at mabili ko ang gusto kong laruan o kaya sapatos hehehe...at early age na-appreciate ko na ang value ng pagiging thrifty hehehe...ang sarap talaga magbalik tanaw sa nakaraan...hays!

Anonymous said...

Been loving your posts like this :)) Love it!

Shenanigans said...

tawa ako ng tawa grabe! sobrang nakaka relate ako.. bwahahahahaha! except lang dun sa notebook na may artista.. never akong bumili nun!

tas yung sa buhok.. pina semi-kal ako ng nanay ko umikyak ako tas hindi ako pumasok ng isang araw. pag pasok ko hayun... tampulan ako ng tuksuhan

MINAKICHU said...

Super laughtrip basahin this post! Back to memory lane talaga. Haha the famous Coleman, Autograph and the classic MTM! Haha! I also remember yung payabangan sa trapper keeper. Tas nauso din the kabaduyang studio poses and exchange pictures na you put sa wallet parang album. The thicker the better. Hehe! Those were the days! Funny rin the pictures of artistas sa notebooks! major kajologan to the nth power buti I didn't encounter anybody who did that. Kakamiss the yesteryears...oh well! That's all! Ciao ;-)

Emmaleigh said...

@ Steph: haha natawa ako ng major major dun sa kutsara sa loob ng coleman! ang bad trip lang dun sa metal na baunan e minsan kumalakas yung lock kaya nahuhulog pag natapon yung baon e wala ka na haha gutom ka na for the rest of the day lol!

waahh yung cheez-it oo nga no! asar! wala nun dito, snacku lang ang meron wahaha tsaka yung sweet corn.

at masipag ka na mag-aaral ah! hinde umaabsent lol!

ako din hinde ako naabot sa ibang level hanggang dun lang ako sa tuhod hinde na kasi ako maka talon pag abot sa hips e =)) wahaha

o diba patawa ever yung mga autograph books na yan?MTM talaga asar na asar ako dun tpos yung peborit daw na mga artista puro Hollywood stars wahaha

tsaka yung sa notebook na yan yunng pangalan nung crush mo e nakasulat pa wahaha

oo nakakatakot kasi alam nung mga titsers at yung my ari nung papel kung sino ang nag check dahil sa corrected by wahaha walang kawala haha

meron teks sila Juday?! wahaha

Emmaleigh said...

@ Jag: parang hinde ko maalala yang deluxe pen na yan ah haha panda at pilot lang alala ko lol! at aba naman! bata pa lang marunong na mag-ipon! lupet lol!

@ Mara: thank you doll! :D

@ Shenanigans: haha hinde ba nakunxenxa yung mga magulang naten nun na pinagupitan ng ganun yung mga buhok naten?! haha

Hack To The Max said...

nafatawa mo ko d2 ng sobra... hehehe..

Emmaleigh said...

@ Mina: haha yes yes! I remember those pictures/neoprints days! haha jologs talaga lol!

@ Nafa: nafa thank u naman ako sau ng sobra dun! lol!

Traveliztera said...

WAHHAHAA EM super tawa ako nang tawa sa comments mo hahahahha! feeling ko kung nagkakilala lang talaga tyo dati pa nung andito ka, super LAUGH TRIP HAHAHAH!

Emmaleigh said...

Steph, tahimik lang ako personal lol!

glentot said...

What a grrrrrrrrreeeeeaaaaat post I can imagine the number of hours you put in to complete this! Kudos!!!!!

Nakakakanostalgia mag-trip down to memory lane... makabili nga ng Ri-Chee mamaya...

Emmaleigh said...

nakabili ka ba ng Ri-chee @glentot?haha

Shenanigans said...

@emma: tamuh! walang alam sa style... hihi

Jessica said...

Lagi akong nakikiinom sa coleman ng mga classmate ko dati haha ^_^ di kasi ako binilhan ng ganyan, kainis nga kasi laging bitin yung inumin hehe lagi kasing yung parang thermos yung sakin hangang sa food ganun padin XD

Moby favorite ko ^_^
pero last month lang bumili ako ng Richee kasi nakakamiss hehe.. pati yung Cheez it kakamiss yun..

tsaka meron akong binibili dati palaging candy yung neon colors sila ~~ nu nga ba tawag dun??

Jackstones XD late na ko natuto nun mga Gr6 na haha *kawawang bata.. at laging saling pusa sa garter kami nung best friend ko ~~ kasi madaya daw kami nagbaballet daw kami -- connect?? hahaha

tas pampalipa oras din yung paggawa ng nylon bracelets ^_^

slambook ~~ sarap tawanan ~~ pagandahan pa nga ng slambook nun hehe.. pero tama yan ginamit ko yang pang stalk sa crush ko nung high school hahaha

Emmaleigh said...

@ Jessica: haha buti wala ka madamot na klasmeyt dati?! lol!

ako din fav ko yung moby na yan tsaka yung cheez it wala nga lang dito.

anong kendi yun?yung lollipop ba yan?haha

oo nga ano konek kung nagba-ballet kau nung bff mo?lol! mga bata talaga makagawa lang ng issue e no?! lol!

oo nga no! yung nylon bracelets na wala naman ako tyaga na matutunan yun pati yung cross stitch.

slambook ftw memory talaga yan. =))

αвву M. said...

wow! namiss ko ng super and chidhood ko sa pinas!!

Emmaleigh said...

lahat tayo masaya ang childhood wahaha