10.09.2010

HULING YUGTO

Ito na ang HULING YUGTO sa ating pagbabalik tanaw sa nakaraan. Sabi nga nila e save the best for last diba?o eto na yun, eto na yung stage sa ating buhay kung san grumadweyt na tayo sa pabili-bili ng ice tubig, sa pagkakaron ng libag, yung panahon na yung ibang kababaihan ay naging konsyus na, mga tinubuan na ng mumunting bundok, dito na nauso sa ibang kababaihan yung ritwal na twinkle twinkle little star (kung hinde mo alam yun sorry hinde ko sasabihin, mag reserts ka at yun e kung mahahanap mo siya sa google *evil laugh*) at ang ritwal na yun e nigagawa tuwing alas 3 ng hapon (jusme! ngayon ko lang narealize na kasabay pa talaga siya ng 3:00 prayer). Yung ibang batang lalake, binata na, wala ng kuto pero mga tinigtigyawat na. Ito ang panahon ng papaya o likas soap. Hinde pa naman kasi uso yung Belo lotion o soap nun e, kaya papaya o likas soap ang mabenta. At pwede ba naman mawala ang eskinol at dalacin-c?at yung chinchansu para sa mga mas "matured?" Sosyal na sosyal ka na kapag ang pabango mo e yung cool water, ewan ko ba lahat nung mga kaklase ko nun hibang na hibang sa amoy nun siguro iilan lang kame ang nanatiling loyal sa Johnson's baby cologne at meron din naman kakaunti na mas gusto ang bonbon cologne. Hinde pa uso ang MAC nun o ang pagpa- foundation kaya naman ang laman ng kikay kit ko nun e Johnson's baby powder, minsan pa nga yung gitna/tupi nung panyo ko e merong powder dun e, pang retouch pag recess o lunch imbes na ilagay ko sa bulsa yung buong pulbos diba?!


Naranasan ko din naman lumevel up no! Yung Johnson's baby powder ko naging Pond's na at yung Johnson's  baby cologne ko naman naging baby bench na. =)) Nagkaron din ako ng Bench Atlantis tsaka yung sa Penshoppe na parang testube lang siya?

LOYALTY AWARD!!

Sampung taon na ata yan e haha at oo nadala pa namen dito. =)) ang totoo sa kapatid ko yan lol!

Meron pa ba yung Bebelot?ambango nun! Pinaka peborit ko yun sa lahat e, yun yung green yung takip nya tpos white yung lagayan tpos meron pityur ng baby sa harap.:D meron pa nun?

Feeling naten nung mga panahon na yan ang cool na naten e haha parang ang angas lang, nauso na din yung pagiging "independent" nyan kasi nakakapunta na ng SM ng hinde kasama ang pamilya, berks na ang mga kasama, mga tol at kanya-kanyang isip ng magandang itatawag sa barkadahan nila. Ang samen?wala lang haha tawagan namen, deri-krim, nilupak, shingaling at chicharon. 4 kame na naging magkaka close nun e haha si Anne si deri-krim, si Jan si nilupak si Chacha si shingaling at ako si chicharon. ka eklatan. 

Ang benta nung mga photo studio nun e, sinong my sabing pang bio-data at pang passport lang ang mga photo studios nun? asa boi! para sa mga magbabarkada din yun tpos wallet size picture pa, nauso din yung Tronix na pwede mo ipalaminate o kaya pwede ka pumili ng background, meron din naman yung neoprint haha pahuhuli ba naman kameng magbi-berks?

ako yung pink
ang dakilang patunay na minsan payat ako

Para sa mga mag-jo-jowa hinde natatapos ang lahat sa studio picture dahil dadaan pa yan sa mga tindahan tulad ng Filigrenasia para bumili ng "engagement" ring at para maging lubos ang ka-kornihan engrave pa dun sa singsing yung pangalan nilang mag jowa. (o aminin, meron mga nakarelate jan haha) At kung single ka naman e masaya ka na sa

credits to google images

PUZZLE RING!

Ang tambayan pa nun after class e sa SM haha pero masunget mga manong guards dun e, hinde pwede magpapasok ng mga naka uniform pag wala pang 4:30 pwera na lang kung kasama mo magulang mo haha pero mga ngiting tagumpay na kapag 4:30 na, minsan kakain muna sa Wendy's o kaya sa McDo yung iba dun na talaga sa tambayan ang diretso. sa QUANTUM. Kanya-kanya yan e yung mga lalake magbi-video games o kaya DDR yung mga babae magbi-bidyoke

credits to google images

At dahil usapang berks na din naman, sinong hinde napagdaanan ang

credits to google images

T.G.I.S

at ang


GIMIK

Tahimik na tahimik ang lansangan nyan nun pag Sabado ng hapon e kasi either kapuso ka o kapamilya. Nagkaron din ng bagong generation yang T.G.I.S at GIMIK (na naging G-MIK)


credits to google images

Sinong hinde dumaan sa pagkakilig kay Bobby Andrews? o ke Rico Yan?(+) o sa JCS?(John Prats, Carlo Aquino, Stefano Mori)o sa KOOLITS (JLC, Mark Solis, Baron Geisler). Crush na crush ko nun si Bobby Andrews e tsaka si Carlo Aquino haha ayan yung stage na may kahati na sa attention ko si Alvin Patrimonio at dito na din nauso ang paglalaro ng lumalagablab na

FLAMES

FLAMES, MASH, LOVE  kung ano-anong kalokohan at lokohan din ang pagbilang nyan haha kasi sa FLAMES magsisimula ang bilang mo mula F to S tpos balik ulet sa F pero dahil yung iba hinde gusto ang kinalalabasan nung result, magbibilang una ulet sa F to S tpos pabalik so magiging S to F. haha Meron pa tissue paper version yan, pupunitin mo sa 5 parts yung tissue paper (lengthwise)  tpos pagbubulhulin mo yung bawat dulo, pag nagbuhol mo ng hinde napuputol, ibig sabihin daw nun magiging FOREVER kayo nung crush mo. =)) lokohan diba?! At yung mga

credits to google images

Chain letters. Nakakapraning kasi makatanggap ng mga mga chain letters nun e, kundi my masamang manyayari sayo e hinde kayo magkakatuluyan ng crush mo kaya kahit minsan pagod ka na magsulat ng mga chain letters (oo kasi hinde pa naman uso ang text nun at email) para ipasa sa iba e gagawin mo pa din.

Hinde sa TGIS, CLICK, GIMIK at G-MIK natatapos ang "rivalry" dahil baka nakakalimutan nyo nagdaan din kayo dito sa mga 'to

credits to google images

UNIVERSAL MOTION DANCERS

at talaga namang napapa always, I wanna be with you ako ngayon ah!

at ang kalaban nila

credits to google images

THE STREETBOYS!

Meron pa ako picture ng UMD nun sa wallet ko =)) *siyet baka wala na sumeryoso saken haha chos!* at eto pa nipanood ko din yung movie nung UMD nun at andun din yung Streetboys sa movie e =)) Ewan basta na lang lumipat ang paghanga ko sa Streetboys nun kasi siguro mas feeling ko mas close sila sa age ko at mas madaming gwapo sa Streetboys nun kesa sa UMD na si Wowie DeGuzman lang naman =))

UMD vs. Streetboys, BSB vs. NSYNC, HANSON vs. MOFFATTS hinde natatapos jan ang "rivalry" dahil sa lugar namen sa Cavite dun sa street namen, meron din silang pwedeng ipagmayabang sa mga contests at kame yun! At oo mas astig pa sa mga nabanggit ang pangalan ng crew namen nun, pangalan pa lang manginginig na ang kalaban dahil kame ang astig na astig na

SIMPLICITY KIDZ

Kidz with a Z talaga ang spelling nun! At maluha-luha ako sa pagtawa dahil ang jologs talaga! haha (ako na ang reyna ng ka-jologan).

Ang saya mag balik tanaw kasi kahit ako sumakit ang tyan ko kakatawa habang naalala ko ang mga pangyayaring iyon sa buhay ko.

Ito na ang huling yugto at sana e naka-relate pa din kayo, sasaya ako kung malalaman ko na hinde lang pala ako ang jologs nun =))

*******************************************************

dahil huling yugto na, magpapasalamat ako sa mga nagbabasa at mga naka relate, sa mga comments nyo na nagpaalala saken nung mga bagay na muntik ko na makalimutan na isulat dito at sa mga napasaya ko.

salamat din sa boypren ko na si "P" sa kanyang kontribusyon sa GANITO KA BA DATI?. Isang oras kameng nagtawanan na parang mga sira-ulo lang kasi ang random na biglaan ko na lang natanong kung nag coleman ba siya dati, ayun nagsunod-sunod na.

At yung totoo, libro ba itong naisulat ko?wahaha

10 statements:

Shenanigans said...

josko! hanap ako ng hanap dito nasa taas lang pala... nyways, super love ko ang gimik at g-mik i never miss an episode.. tama ba ingles ko? haha! tas yung movie nila super hindi nakakasawa kahit ilang beses panuorin. nakaka disapoint lang yung gimik 2010 kasi ang panget

nakakatuwa yung atlantis nagpapabili ako sa mommy ko nun dati hindi ako binilan mahal daw eh as i can remember 150 lng ata yun *mahal na dati yun or mahal na sa kanya kuripot* haha!

syempre ang flames hindi mawawala.. haha! yan ang aking love doctor dati haha

Emmaleigh said...

ako din e nakalimot ko na asa taas na nga pala yung comments at wala na sa baba haha pero oo mahal nga yung Atlantis na yun haha Johnson's baby cologne lang yung talagang afford na afford nun e haha at yung gimik 2010 hinde mo napanood :( balak ko pa naman talaga haha pero baka my mahanap ako online.

Shenanigans said...

ang panget ng gimik 2010 nakaka disapoint

Emmaleigh said...

ganun?! naku! sige d na ako mag aaksaya ng oras na hanapin pa yun haha

Jessica said...

LOL na.try ko rin yung Atlantis XD..haha

Emmaleigh said...

haha Team Atlantis ba?lol! nakakahilo na amoy nun ngaun wahaha

Mimi said...

i remember using that baby cologne too! and MASH with my classmates! haha. :D

<3, Mimi
http://whatmimiwrites.blogspot.com/

Emmaleigh said...

@ Mimi: I never liked MASH =)) I rarely "played" that as a kid. =))

AdroidEnteng said...

naalala ko yung atlantis na cologne na yan..puro hingi lang ako nyan before.makauso lang.haha.can't afford kasi...nyahaha...

Emmaleigh said...

@ Enteng: haha lol! natawa ako sau! ang mahal kaya nung Atlantis lol!