10.04.2010

PBA - A fan girl's moment

hmm, because I want this post to be extra effective, I'm gonna post this in Tagalog since it's all about the Philippine Basketball Association (PBA), so if you don't understand tagalog, yes, skip this post. :D

Unang nagpatibok ng puso ko ay si..


ALVIN PATRIMONIO!!
oh, walang bastusan, walang agawan wahaha

haay naku! oo si Alvin Patrimonio ang una ko crush, mas nauna ako na hook sa PBA kesa sa AngTV at kay Patrick Garcia.

lantod!

wahaha

OO

maka PUREFOODS ako! baket?my palag? pero lulz ang bago nilang pangalan na ngayon, B-Meg Derby Ace Llamados. wtf! hinde ko masabi yun ng hinde natatawa. =)) gaguhan lang kasi.

(nahihirapan ako sa blog na ito, mas mahirap pala mag express ng tagalog, sus! gumaganun pa kala mo naman ang galing ko).

Naalala ko nung bata pa ako, lakas lakas ko tumili, my kasama pang padyak at palakpak pag my laban ang Purefoods na parang feeling ko nun andun din ako sa astrodome/coliseum at nagbayad ng ticket. Adik na ako nun bata pa lang e. Ewan siguro rugby pina dede saken nun kaya ako lumaking my kalembang. =))





Taraay! Classic! ang seksi nung mga shorts =)) Pwera ke Jolas, adik na adik ako sa tambalang Codinera-Patrimonio, parang love team lang, bwuahaha (pati tawa walang poise e no?). Napaiyak nga ako at sobrang nag worry na parang akala mo ako yung asawa ni Jerry (close lang) nung na aksidente siya e, face plant dude! (lantod talaga elementary pa lang pag-aasawa na agad yung niisip ko nun). Alala nyo yung aksidente na yun? Isumbong nyo nga saken sino my sala dun sa panyayari na yun?Hinde ko na din kasi masyado maalala e, basta nagulat na lang ako at na dive na siya dun sa sahig. Saklap. Maga mukha e. 

Pero my panyayari na mas nakawasak sa puso ko, oo mas matindi pa sa paghihiwalay ni Patrimonio at Aquino, mas naging apekted ako sa paghihiwalay ng landas ni Codinera at Patrimonio. Bata pa lang ako nun pero ramdam ko yung sakit, parang gumuho ang munti kong mundo nun, parang hinde na basketball, parang hinde na Purefoods kapag walang Codinera - Patrimonio. 

weh?emo lang?

Ewan naka move on din ako dun, syempre ang loyalty ko ay nanatili asa Purefoods, kahit may mga bagong nadagdag sa team, loyal ako ke Alvin Patrimonio

kila
Rey Evangelista
Noy Castillo
Boyet Fernandez
kay coach Ely Capacio
coach Chot Reyes
coach Eric Altamirano
coach Derrick Pumaren
coach Ryan Gregorio -- gwaping infurrnes!
Dindo Pumaren
Jojo Lastimosa -- kahit na medyo hinde ko siya feel pero dahil naging Purefoods siya "minahal" ko siya
Ronnie Magsanoc
Andy Seigle
Glen Capacio
Jun Limpot


Tapos andami na nagdatingan na mga gwapings wahaha 

RICHARD YEE


Pag nakikita ko to naglalaro pinagpapawisan ako at grabe tibok ng puso ko wahaha kilig lang e no? Crush lang to no! baka magselos si Alvin e (kinakalembang na naman ako lulz talaga).

tapos tapos ngayon meron na
James Yap
Roger Yap
Peter June Simon
Paul Artadi -- sayang lang hinde na siya Purefoods
Chad Alonzo -- kahit bangko, sige proud ako sayo dude kasi isa kang Falcon! haha pero shizz, ADU days dami namen memories sa UAAP, sa ADU gym haha puchakels yung iba hinde pwede ma-blog e wahaha pero para sa ikatatamihik ng inyong mga isipan, walang sex involved dito. truelaloo :D
Billy Mamaril
Mark Pingris
Kerby Raymundo -- hate kita dati! kasi magaling ka at redbull ka at kalaban ka ng Purefoods wahaha

Ayun, high school nagimbal lalo ang mundo ko ng dumating sa PBA si

JOHN ARIGO

O diba! cuteness?! hmm aminin :p (hawig siya ni Wentworth Miller diba?!a.k.a Michael Scofield) at eto pa

MIKE HRABAK

na naging Purefoods din pala pero sa Shell ko na siya naalala e wahaha (hawig ni Matthew Mendoza diba?!) At naging model din yan ng underwear, HANES ata?ewan basta nakita ko yung billboard nyan sa SM e wahaha naka salawal lang, malamang nga e underwear nga yung nimo-model e diba?!, kililing talaga ako minsan. =))

stopppeett!

enough of the boys haha

niaaway ko dati ang sino man ang umaaway sa Purefoods e, kalaban ko pa klasmeyt ko nun, SMB kasi siya at yung panahon na yun e yung SMB v. Purefoods era kaya lagi kame sabong. Ang nakakatawa pa pag nanonood ako ng basketball sa tv sumisigaw talaga ako, yung sigaw na rinig ng kapitbahay, yung sigaw na dinaig ko ang pagbubunganga ng mga kapitbahay namen. Yung tipong pag my umagaw ng bola sa Purefoods e nagagalit talaga ako my litanya pa ako na parang ganito "o sige sayo na yung bola kainin mo!" o kaya lagi ko nun nipapanalangin ke papa Jesus na sana majebs ang kalaban ng Purefoods, yung mga malalakas, yung mga tulad ni Asi Taulava, talagang cross fingers pa ako nun "sana po magtae si Asi para hinde na muna siya makapaglaro" o kaya pag free throw yung kalaban hipan ko yung tv namen o kaya gugulatin ko na parang ganito yung tv/baller "haaaala!" o kaya parang my supalpal moves ako nun sa screen namen na parang kala mo naman my nagawa yun. Wala lang. trip lang. bata pa ako nun e. wahaha

Balik tayo sa SMB v. Purefoods era.

Olsen Racela, Danny Seigle, Danny Ildefonso, ang tatlong tinik sa lalamunan ko nun. Gagaling e, at ang hirap tanggapin na natatalo ang Purefoods dahil magagaling sila. wala e, fan girl, ganun talaga. OO dahil inis ako sa kanila, nipagdasal ko din na sana magtae din sila sa kalagitnaan ng laro.

Halos magiba-giba ang bahay namen nun e pag my laban ang Purefoods, my tili na ako, my palakpak at my padyak pa! san ka pa! parang my talent fee lang kung makapag cheer. Pag nauwe nga ako samen e nood ako TFC at nood ako basketball kahit na yung mga yun e asa archives na ganun pa din ako mag cheer parang my talent fee lang. Teka, kelan ba naging B-Meg pangalan nila?kasi huli ko uwe samen e mga July at Purefoods pa ang nakalagay dun.

Ewan bakit ako nahilig sa basketball, impluwensya siguro ng tatay ko yan, hinde nyo naitatanong e naging basketball player din ang tatay ko nung araw at oo nagsuot din ng maikling shorts ang papa ko nun. Bonding na namen ang panonood ng basketball, o paglalaro ng basketball pero yun nga lang sa free throws lang ako magaling, kahit itanong nyo pa ke mam Alonzo, P.E titser namen dati, yun e kung natatandaan nya pa ako. Madami ako namana sa tatay ko e, ang basketball, pagkahilig sa martial arts, panonood ng wrestling at bowling at ang 2 bagay na hinde ko natutuan at hinde ako nagka interes e chess at pagluluto.

Kala nga nung karamihan e magiging tomboy ako paglaki dahil bukod sa nanggaling ako sa all girl school e mahilig talaga ako sa sports, ang hinde lang nila alam, gusto ko manood ng mga ganun dahil madaming lalake at my kilig factor. wahaha


Patapos na din naman itong mahabang entry na ito pero gusto ko lang share itong video na nahagilap ko sa youtube


na-tense ako nung nipanood ko yan kasi parang gusto ko ipagtanggol ang pinakamamahal ko Purefoods, gusto ko lumusot sa TV nun (Sadako?) para bugbugin ang kalaban (weh tapang lol!). Pero fast forward nyo sa 3:25 andun na ang aksyon wahaha at kumarete kick pa si James Yap haha total pwnage! Pero kasalanan naman ng kalaban yun ah! baket kelangan manulak? si Leather naman talaga nanguna e, kitang kita dun sa video nanunulak tpos nambato pa ng bola, papansin lang e no?

Pag-uwe ko ng Pinas hinde ako babalik dito hanggat walang picture at autograph ako mula kay Alvin Patrimonio at Jerry Codinera at kung pwede lang sa lahat ng naging Purefoods! wahaha

*****************
ang mga ritraro at mula sa google images.


=))

13 statements:

MiDniGHt DriVer said...

Wow.. avid fan din ao ng PBA.. hahaha.. pero Ginebra ang team ko. yun lang. lolz

MINAKICHU said...

Hahaha kakaaliw basahin ang kwela mong post! Makes me remember those younger years when my brother and my cousins are all glued on tv watching the finals and shouting at the top of their lungs! Ang gulo gulo nga. Woohoo! Patrimonio 3 points! Nostalgic! Cute naman ng emo mo, puppy love ba, who knows he might get to read this after all these years and he didn't know he left such a mark on a young girls life way way back. Haha

Moyie G said...

Naalala ko lang si Glen Capacio bading daw yun? Glenda nga tawag namin dun noong bata pa kami, kase Ginebra fans kami or Anejo ba sila dat tym basta yung team ni Jawo dun ako..peace :D

Emmaleigh said...

@ MD: wag ka na! Ginebra panis! wahaha

@ Mimi: just found out that Alvin Patrimonio has a twitter acct, I wonder if I should follow him and let him know that I'm sucha fan wahaha grabe! kinikilig ako wahaha

@ Silentassasin: hinde ko alam basta Ginebra na yun nung naalala ko e wahaha

Traveliztera said...

NAWALA ANG PAGKAPOISE!!! HAHAHAHAHAHAHAH!!!

HINDI NA NOSEBLEED! HAHAHA!

Okay tlaga ang shorts! and sige, sayo na si Alvin! Hahaha! Sayong sayo na! hahahaha!

Good thing u didnt become a tomboy! :P Andami mong namana sa dad mo a hahahah!

WINNER tong post na toh. the real emmaleigh! hahaha!

Emmaleigh said...

@ Steph: haha TALAGANG AKIN!! lol! baket ako hinde naging tomboy?haha mas masarap mag lipstick e wahaha

glentot said...

Sensed na sensed ko ang kakirian at kalantudan ng sumulat ng post na ito at approved na approved ito sa akin keep it up!!! Nakaka-gaan ng feeling makabasa ng ganto...

Emmaleigh said...

@ Glentot: salamat :D

Traveliztera said...

HAHAHA KELANGAN ANG LIPSTICK ANG DAHILAN! hahahhaa

Traveliztera said...

promise em natawa tlaga syo rito hahahaha! naligaw ata tong post na toh sa blog mo hahahaha!

Emmaleigh said...

haha e kasi naalala ko lang din bigla ang PBA e at kung pano ako adek nun wahaha

Anonymous said...

hi em! it's rose (esoradiam). haha! naaliw naman ako sa post mo. you're a purefoods fan rin pala? me too! they were the only team i cheered for back in high school. and yeah, i was an alvin patrimonio loyalist. when he retired, i think i lost my interest in basketball too... just like what happened in the NBA when jordan retired. haha! :)

Emmaleigh said...

hi Rose! haha I missed watching PBA in general actually :( I want a Patrimonio-Codinera tandem again!