10.06.2010

MGA AKALA KO NUNG BATA PA AKO

If you didn't understand the title, yes, this is another Tagalog post of mine. :D Yep. I'm enjoying writing in Tagalog and remembering what I was like when I was a kid.

MGA AKALA KO NUNG BATA PA AKO.

Malay mo parehas tayo ng akala nun. ;)

KISSES





Alala nyo yan?Mabango yan diba?! haha kala ko dati nanganganak ang kisses. Ewan. uto-uto lang =)) kelangan pa nga ibalot sa bulak yun for 24 hours e bago mo "paanakin" yun pala ang kelangan mo lang e isang Orion ruler (oo yung manipis na ang lalagayan nya yung kulay asul) para mahati sa kisses sa gitna. presto! nag multiply ang mga kisses. Ako naman si tanga manghang-mangha at naging kumadrona pa ng mga kisses nung araw, hinde ko man lang naisip na hinati ko yun sa gitna kaya sila dumadami. 

HOLEN o JOLEN



Ewan dun sa pinsan ko na pasimuno ng kabaliwan na ito. Kapag daw kasi nahati sa gitna yung holen e magkakaron ka ng kapangyarihan katulad nung kay Faye. oh, kilala nyo si Faye?OO. Si Faye ng Okay ka fairy ko! Eport kung eport namen na pukupukin ng martilyo yun, at impurrness ang tigas nung mga holen na yan at ang tagal bago nila nabasag. Sabi pa nga nung isa ko kalaro pakuluan daw namen yung mga holen e para lumambot, my mga paltik sa utak ata mga taga samen. =)) Sakses naman at nakabasag ako ng isang holen sa gitna, pero ayun walang kapangyarihan. :(

SUGAT




Dati kapag nagkakasugat ako takot na takot ako, hinde sa dugo o hinde dahil mahapdi siya lalo kapag maliligo ka na kundi kasi yung tito ko sabi nya kapag nagkasugat daw my lalabas na kanin dun sa sugat, hinde lang yun my tropa pa yung kanin na yun na parang magpaparada sa sugat mo. Kanin, tren, jeep, at ang malupet sa lahat my lalabas daw na pari sa sugat mo. =))

BARBIE


Hinde lang naman umikot sa basketball, wrestling, patintero at putbol ang pagkabata ko, naglaro din naman ako nga mga barbie dolls at tuwing pasko ko lang ako nagkakaron ng bagong barbie doll. Sa mga normal na araw pag swerte my pasalubong kame galing sa Jollibee yung parang happy meal nila tpos ang natatandaan ko nun ang mga laruan na kasama nun e yung TMNT haha kumpleto ako nung mga pagong na yun! Balik ke Barbie, akala ko dati kapag ginupit mo yung buhok nila e hahaba ulet yun. wahaha kaya andami ko tuloy barbie nun na iba-iba ang haba ng buhok.

HALAMAN




Ok. Kala ko dati pag tutulian yung lalake e pinuputol lahat yun tpos tutubo na lang ulet. =)) patawa diba?! eee kasi naman kaya ko nakuha yung akala na yun, kasi diba yung butiki pag naputol yung buntot nila e tumutubo pabalik yun?kaya ayun kala ko tuloy ganun din sa lalake. =))

TALON




Eto ang pinakakalokohan sa lahat! Akala ko dati totoong tatangkad ka kapag tumalon ka sa  bagong taon. Hinde naman pala! Paasa! Nakaka hurt ng damdamin isipin na napaniwala ako dun, kung totoo yun e d sana matangkad ako ngayon diba?!

TV




Wala lang. kala ko lang dati yung mga artisa sa loob ng TV nakatira at kapag binuksan mo yung likod lalabas sila dun.

KISS

Kala ko dati kapag nag kiss ang mag bf/gf o mag-asawa e mabubuntis na yung babae. Mali. Hinde pala ganun kadali yun, umpisa lang pala yun ng proseso.



KUTO




Ba yan! nagkati yung ulo ko bigla =)) pero dati kasi uso sa mga bata ang kuto e, parang hinde ka naging batang pinoy kapag hinde ka nagkakuto. wahaha (kumakati talaga ulo ko pramis! at pramis wala ako kuto lol!) Ayun, kala ko nga dati e kapag madami ka kuto at hinde ka nagpa-kuto e liliparin ka nila at dadalhin kung saan man.

PITO




Eto ang major major pauso evuur! Diba dati uso yung kapag mainit e nasipol ka?para daw magkahangin?sabi nung kapitbahay namen, wag daw sumipol kasi daw kapag sumipol ay nakakahaba daw yun nung pubs, as in pubic hair. Aabot daw ng tuhod. Siguro yung kanya hanggang tuhod. echos lang!

Ano mga akala nyo nung bata pa kayo?Share nyo saken! wahaha

At tutal e usapang bata din naman ito, sino ang hinde nakakaalala kila

SUSY AT GENO!!

haha naku kelangan mo ipunin yung takip o yung foil nung sustagen para lang sa papel at lapis na my tatak na sustagen, kung wala, wala ka din "goodies" galing sa kila Susy at Geno.


******************
ang mga larawan ay hango sa google images.


20 statements:

Axl G. said...

whahaha naks galing......
KISSES.. natatawa ko dito ung bata ko. kala ko pabango lang may ganun palang effect whahaha :D

Jag said...

hahaha natawa naman ako dun sa TULI at holen hahaha adik! Napaka inosente talaga pag bata noh? Gusto ko uling mging bata hehehe...

Traveliztera said...

OMG SUMAYA AKO RITO SA POST MO! HAHAHAH TODO RELATE!!!

aynako, nakita ko kelan lng ung tinago kong kisses nung bata pa ako... OO NAKABULAK PA RIN SIA AT BINIBILANG KO ... HINDI PA RIN NABUNTIS! GRRRR hahaha

Hindi ko alam ug sa Holen a! hahahahha! Natawa ako na may ganong Faye magic pa palang nalalaman!? hahaha!

Ung sa sugat! Alam ko yan pero d ako naniwala... sabog siguro ako non haha
!

Kawawa naman ung mga barbie mo :( hahaha!

KAWAWA rin ang mga lalake sayo hahahhaa!

Yung sa TALON din! Pinaasa ako. :( hahha!

Yung TV at sa KISS, oo, akala ko ganon dn dati!!! wahhaha!

Akala ko rin na pag marami kang kuto, ililipad ka na nila nyahahhaa!
At pahamak sina susy at geno! pero nameet ko rin sila dati nung sumali ako sa etsos nila sa shangri-la plaza... nanalo ako tapos dinala ako kay pong pagong (kaya naging tsong tsagong ;) ) hahahaha! hnd naman ikaw ung ksma nina susy at geno noh? wowwww parang... perv si geno. lol

Emmaleigh said...

@ Axl: haha hinde mo alam na "nangangak" ang kisses? lol!

@ Jag: oo ganun talaga akala ko dati lol! e d naman ako lalake so hinde ko alam wahaha at oo nakakamiss maging bata. :( hehe

@ Steph: baka naman maliit lang magbuntis yung mga kisses mo kaya ganun?lol! yung sa holen e ewan dun sa pinsan ko siraulo ata yun e =)) mga pauso.

hinde ako yung kasama nila at oo nga parang menyek si Geno =)) at dun pala nanggaling ang pangalan ni Tsong Tsagong ah! haha

Will said...

Just passing by.. :)

Naalala ko tuloy nung grade school ako, usong-uso ang kisses.. akala ko talaga nanganganak sila kapag marami. hahaha

nafacamot said...

hahaha.. sobrang natawa ko dito. yan din ang mga akala ko...

kala ko pag nakita ng babae yung ANO ng lalaki eh mangangamatis. Eh di naman. paasa sila. LOL... hehehe..

kala ko 22o ang WWF/WWE. kala ko si undertaker eh patay talaga. pero hanggang ngayon buhay pa din sya. tsk tsk...

maisingit lang...lol...

Emmaleigh said...

@ Will: lahat tayo biktima ng kisses =))

@ Nafa: haha oo nga no! ung WWE kala ko din totoo dati lol! patawa =))

glentot said...

Haha hayuuup na mga pamahiin at paniniwala yan, ilang taon ka na bago mo narealize na mali yan lahat? Mali nga pala yung picture mo dun sa "Halaman" kasi yung topic eh tuli ahahahahaha pati yung pito sana ang nilagay mong pic eh pubic hair.

Benh said...

haha! Nagflashback lahat ng katangahan ko nung bata ako.. ung sa kisses panalo! Sino kayang nagpasimuno nun at ang dami naloko. Pati ung sa talon pag bagong taon.. SIguro isa sa mga mashashare ko na kalokohan ko nung bata ako ay...

pag may dumadaan na airplane, nagbabay ako!! haha! together with my friends! ewan ko ba kung bakit.

Emmaleigh said...

@ Glentot: wahaha adek ka! xempre hinde ko pwede ilagay yung mga dapat ilagay jan kasi pang PG itong blog ko wahaha pero ewan matanda na ako nung marealize ko pinagloloko lang ako nun e.

@ BenH: o diba?! dami naloko nung kisses haha at benta saken nung airplane na nagbabay ka =))

MiDniGHt DriVer said...

wahahaha... kanin? now ko lang narinig yun. meganun pala.. :)

Emmaleigh said...

@ MD: haha o?uso samen yan nun e, my kanin daw na lalabas at pari lol!

Jessica said...

Di ko lam yung sa kisses eh :(
naririnig ko siya sa mga kaklase ko pero clueless padin ~~ masyado aksing busy nung bata LOL

sa barbie ~~ hindi ko naman inisip na hahaba buhok pero ginugupitan ko padin sila hahaha :P

pero sa pagtalon sa bagong taon akala ko may effect talaga yun hahaha

atsaka hmm.. sa tv akala ko dati pag pinatay mo tv tas binuksan mo ganun padin palabas hehe ~~ parang napa.pause lang at akala ko may maliliit na tao na uma.acting dun sa loob hehe

at kagaya sa toy story akala ko nabubuhay talaga mga laruan pag gabi kaya iniwanan ko pa dati ng pagkain yung mga laruan tas nawawala eh (nililigpit ata o kinukuha ng kung anong peste :P) kaya akala ko kinakain nila yun

at syempre naniwala ako kay Santa Clause :P

Emmaleigh said...

hinde mo alam yung kisses?haha ikaw lang ata tao na una ko na meet na hinde alam yung kisses?lol!

haha kala ko din dati yung sa mga laruan nga nabubuhay sa gabi kaya nga sabi nila diba wag daw maging mean dun sa mga laruan kasi sasaktan ka din nila pag ikaw naman yung tulog. =))

AdroidEnteng said...

nakakatawa to...ako din kala ko dati pag nagkiss buntis na agad..yun din sabi sakin ng nanay at tatay ko nun..nauto naman ako..hehehe

Emmaleigh said...

@ Enteng: yaan mo na magkakaturn ka din mang-uto kapag ikaw naman yung nagka baby lol!

apolwapol said...

at late na akong magccomment dito.

AKALA KO DIN DATI DUMADAMI YUNG KISSES! hahaha. pero ang weird, hindi ko naman sila hinahati, parang dumadami sila! baka totoo yun! XD

at nakakaloka naman yung kalaro mo na gustong pakuluan yung mga holen. in fairness, creative siya. :))

-aryan

Emmaleigh said...

@ Aryan: haha ang hiwaga nga naman talaga ng kisses no?! haha

cacheme said...

katakot ka naman. pinuputol ang buong **** pag tinutuli. LOL

Emmaleigh said...

haha dati ko lang yun akala :p